Biktima ng bomba sa bar exam dinalaw ni PNoy

PERSONAL na dinalaw kahapon ni  Pangulong Benigno Aquino III ang mga naging biktima ng pagsabog sa huling araw ng bar exam sa lungsod ng Maynila kamakailan.

Unang pinuntahan ni Pangulong Aquino ang Manila Doctors’ Hospital kung saan meron pang biktima na naka-confine doon at nagpapagaling at pagkatapos ay agad na dumiretso sa Philippine General Hospital ang Pangulo kung saan naroon si Raiza Laurel, ang pinakagrabeng nasugatan dahil kailangang putulan ng dalawang paa.

Sinasabing sinadyang hindi pina-cover sa media ang nasabing pagbisita ng Chief Executive  para hindi magkagulo umano sa loob ng pagamutan.

Nauna nang kinondena ng Malakanyang ang naturang pagpapasabog at hayagang nadismaya dahil mismong mga nag-aaral ng batas ang mga suspek. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply