Binata itinumba dahil sa droga

ONSEHAN sa droga ang tinitingnang anggulo sa pagkakapatay sa isang binata makaraang matagpuan ito na tadtad ng bala sa  katawan, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Silangan II, Rosario, Cavite.

Sa isinumiteng ulat sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Sr. Supt. Danilo Maligalig, kinilala ang biktimang si Bernard Catipon, alyas Bernie, 33 anyos, binata, walang hanapbuhay at nakatira sa Tramo st., Brgy. Tejeros Convention, Rosario ng nabanggit na lalawigan.

Hindi naman nakilala ang mga suspek na mabilis na nakatakas tangay ang kalibre .45 baril na ginamit sa pagpatay sa biktima.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Joel Angue, may hawak ng kaso, dakong alas 3:00 ng hapon nang basta na lang pagbabarilin ang biktima ng mga salarin sa Ave Maria st., na kaagad nitong ikinamatay.

Narekober sa lugar ng pinangyarihan ang tatlong basyo ng bala ng baril na ginamit sa pamamaslang. Gaynor Bonilla

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply