Binata nagbaril sa harapan ng syota

AGAW buhay ang isang mister makaraang magbaril sa sarili habang nagmamaneho at katabi ang girlfriend nito, kahapon ng umaga, sa Aguinaldo Highway, Brgy. Panapaan I, Bacoor, lalawigan ng Cavite.

Kinilala ni Supt. Redrico Maranan ang biktimang si Gian Lapiña, 31 anyos, nakatira sa Brgy. Salinas ng nasabing bayan habang hindi pa rin makausap ang girlfriend nitong si Serene Camantigue, 24-anyos, sanhi nang pagkabigla sa pangyayari.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Ronald Orosco, dakong alas 10:00 ng umaga ay nagmamaneho ng Pajero na kulay gray at may plakang XDV-198 si Lapiña habang katabi sa unahan ang girlfriend nito.

Nabatid sa pulisya na biglang nagbaril ang biktima sa may sentido ng kanyang ulo ng baril na kalibre .38 at nawalan ito ng kontrol sa manibela kaya  bumangga sa isang Mitsubishi Adventure na may plakang XAT-650.

Mabilis na isinugod sa St. Dominic Hospital ang biktima na nasa peligrong sitwasyon habang ang girlfriend ay nakatulala pa rin at hindi makausap.

Ayon kay Supt. Maranan, sasailalim sa paraffin test si Lapiña at Camantigue upang matukoy kung ang biktima ang nagbaril sa sarili o may foul play na naganap.

Hinihinala naman ng pulisya na nagtatalo ang dalawa sa loob ng sasakyan kaya nagawa ni Lapiña na magpakamatay. Narekober ang baril na ginamit ng biktima sa loob ng sasakyan nito. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply