Binata natusta sa kuryente

NAMATAY ang isang helper matapos makuryente makaraang maglawa ang sahig ng water station na pinagtatrabahuhan sa Caloocan City.

Dead on arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon si Richard Dela Peña, 23, ng Pampano st., ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi, pumutok ang water pump ng GMS Water Station sa Pampano st., ng lungsod na naging dahilan upang maglawa ang sahig.

Nagkataon naman na nakapaa ang biktima at sumayad sa tubig ang live wire ng water  pump na naging dahilan nang pangingisay nito.

Kaagad na dinala sa PLM ang biktima subalit hindi na ito nakaligtas.Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply