Binata tinarakan sa ulo ng tambay

NASA kritikal na kondisyon ang isang binata nang saksakin ng tambay sa lugar na dinayo nito, sa Malabon City.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa ulo si Kim Emil Ignacio, 22 ng Roxas st., Magsaysay Village, Tondo Manila.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang salarin na nakilala lang sa alyas Crisanto, ng Langaray st., Brgy. Longos, ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-11:45 ng gabi, kasabay na naglalakad ng biktima ang ilang kaibigan nang lapitan ng suspek at walang sabi-sabing pinagsasaksak ito sa ulo.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang salarin habang dinala naman sa JRMMC ang biktima.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang tunay na dahilan nang nasabing pamamaslang. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply