Binatang hindi nayaya sa inuman nanaksak

KULONG ang inabot ng isang binata habang nakatakas naman ang mga kasama nito nang batuhin at pagsasaksakin ang lalaking hindi nagyaya sa kanila ng inuman,  Caloocan City.

Ginagamot sa East Avenue Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Ganfery Davantes, 30, ng Phase 1, Bagong Silang, ng nabanggit na lungsod, habang nadakip naman si Andrew Villaluz, 30-anyos.

Batay sa ulat, dakong alas-10 ng gabi, nakikipag-inuman ang biktima sa kanilang lugar sa ilang kaibigan nito nang dumaan ang suspek pati ang mga hindi nakilalang mga kasamahan nito.

Napika ang suspek dahil kahit dumaan sila sa harapan ng mga nag-iinuman ay hindi man lang sila inalok ng biktima para tumagay.

Napikon ang mga suspek at dumampot ng bato bago pinukol ang biktima na naging dahilan upang umalma ang huli.

Kaagad namang nagsibunot ng patalim ang mga suspek bago pinagtulungan pagsasaksakin si Davantes.

Matapos ang insidente ay isinugod naman ang biktima sa EAMC habang nadakip naman si Villaluz. Rene Manahan

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply