Binatang naghanap ng tsibog nalunod

OLONGAPO CITY-Patay na nang matagpuan ang 21 anyos na binata makaraang malunod habang nangunguha ng halaan sa malalim na bahagi ng Kalaklan River kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakalap mula kay PO2 Mariel Cuizon ng PNP Maritime Group, kinilala ang nasawi na si Roger Linag residente ng Hilltop area, Brgy. Upper Kalaklan.

Sa inisyal na ulat, napag-alaman na dakong 8:00 ng nakaraang gabi ay nagkatuwaan ang biktima kasama ang isang kaibigan na kinilalang si Jason Fontecha na manguha ng halaan malapit sa parola nang bigla na lamang umano itong maglaho sa tubig. Tinangka pa umanong sagipin ni Fontecha ang biktima subalit nabigo itong makita kung kaya’t napilitan na itong humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Kinaumagahan na natag-puan ng mga rescue team ang bangkay ng biktima. Jun Dumaguing

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply