Binatang sinermunan ng ina nagbigti

NAGPATIWAKAL ang isang binata matapos masermunan ng kanyang ina dahil sa paglalasing at pasusugal, kamakalawa ng gabi, sa Valenzuela City.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital si Glen Leoncio, 33-anyos,  ng Ilang-Ilang st., Balangkas, ng nasabing lungsod.

Napag-alaman sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi nang makitang nakabigti si Leoncio ng nylon cord sa loob ng kanilang tahanan.

Nabatid na ang biktima ay hinahanap ng inang si Edalia Leoncio subalit laking gulat nito nang makitang nakabigti na ang anak.

Kaagad na pinutol ni Edalia ang nylon cord at dinala ang biktima sa VGH.

Sinasabing dinamdam ng biktima ang pagsesermon ng ina nito dahil sa bisyo sa alak at sugal. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply