Jejomar Binay umeeksena na rin

PANAHON na para rebisahin ang posisyon ng pamahalaan na gawing legal ang ilegal na sugal na jueteng.

Tugon ito ni Vice-President Jejomar Binay  sa magkasunod na pagsisiwalat nina Archbishop Emeritus Oscar Cruz at Sen. Miriam Santiago sa umano’y ilang opisyal ng pamahalaan ang patuloy na nakikinabang sa jueteng operation.

Matapos ang idinaos na Oathtaking Ceremony na pinangunahan ni Vice-President Jejomar Binay sa Rizal Hall, Malacanang Palace ay sinabi ni Binay na dapat magkaroon ng review sa polisya ng gobyerno sa mga sugal tulad ng jueteng.

Aniya,  napakalaki ng sana ng revenue na makukuha sa jueteng kung legal na ang operasyon at hindi napupunta sa sinu-sinong mga padrino at protektor.

“Probably it’s high time to review the position of the government in the ligt of what has transpired. Meron namang panukala in the past. Ako ngayon, yung mga nakakausap ko, mukhang natatanggap na nila yun e. Dahil sa iniikutan lang yung compliance e, ang dami-daming revenue na mawawala. Of course, revenue must not be a good reason para what I would think or see na there’s a moral problem about it [sic]. But the fact is, pag mababasa mo yung kwan, ilang bilyun ba yun, nagiging dahilan lang ng graft and corruption,” ang pahayag ni Binay.

Taliwas naman ito sa posisyon ni Pangulong Benigno Aquino III na pursigido sa pagsugpo ng jueteng sa bansa. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply