Binoe, Mariel ayaw mag-share sa kanilang kasal

PAREHO namang pipi at tikom ang bibig nitong sina Mariel Rodriguez at Robin Padilla sa mga nagkalat na isyu na kesyo daw ikinasal na sila ng lihim sa abroad na nakita pa sila ng aming tsismosang kapitbahay na lovey dovey na parang bago na silang kasal.
Kapwa tikom ang bibig at ayaw naman magsalita nitong magdyowa hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Kapwa nanahimik ang dalawa at ayaw pang umamin kung trulili na lihim nga silang ikinasal sa abroad.

Ang itinuturo naman na dahilan ng maagang pagre- resign nitong si Mariel sa Pilipinas Win na Win ay sa utos daw ni Binoe.

Well, well, well, patuloy pa rin nga sa pagkalkal ang aming tsismosang kapitbahay para alamin ang katotohanan kung kasal na nga abroad itong sina Mariel at Binoe.
Nose bleeding na nga raw at talagang ayaw mag- comment ng dalawa sa estado kung kasal na sila.

Well, pasasaan ba daw ay aamin din ang dalawa sa kanilang secret marriage abroad. Abangan!

Lakas ng star factor…
JUNINE JARABO, MAY POTENSYAL SUMIKAT


Marami naman ang nagulat sa husay na mag- perform nitong si Junine Jarabo at talaga naman lahat ng kantahin niya sa lahat ng mall tour ay klik na klik at hit sa Pipol of the World.

Tunay naman kasi na in na in ang mga ina-awit nitong si Junine kaya naman kapag nag perform na itong si Junine ay talaga naman gravecious ang mga palakpakan ng utaw sa loob ng mall.
Sabi ng sikat na manghuhula na si Ma-dam Auring na may potensyal na sumikat sa larangan ng music industry itong si Junine at dahil sa lakas ng kanyang star factor ay hindi imposible na makilala itong si Junine.

Kapag humataw na ito ng await na sikat na sikat ngayon na Baby popularized by Justine Biever at Pyramid na inawit ni Charice Pempengco na nasa top list na ngayon at M.R.S na sa lahat ng FM station.

Star material ang arrive ni Junine kaya hindi kataka- taka kung marating niya ang rurok ng tagumpay sa darating na panahon, di ba, Mommy Carol Infante?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply