Binti ng 12-anyos putol sa snatche-

MAPAIT na karanasan ang sinapit ng 12 anyos na batang babae matapos itong masagasaan nang hablutin ng isa sa riding in tandem ang hawak ni-yang cellphone kamakala-wa ng hapon sa Marikina City.

Kung hindi nabundol ng motorsiklo sakay ang dala-wang kawatan na nakilalang sina Ace Villaganas 23, bina-ta, ng B-5 Singkamas St., Brgy. Tumana at Paulo Cas-tillo 22, ng Concepcion Uno ang biktimang itinago sa pangalang Mary Jane, estud-yante, ng Brgy. Parang ay hindi pa matatapos ang malili-gayang araw ng mga sus-pek.

Base sa panayam kay Marikina PNP Criminal Investigation Division Chief, C/Isnp. Earl Castillo, naganap ang insidente dakong 2:45 ng ha-pon habang ang suspek na sina Villaganas at Castillo ay sakay ng kanilang motorsiklo na may plakang 2K-4101 at nag-aabang ng mabibiktima sa Sevilla St., Brgy. Parang. Nakita ng mga ito ang estud-yante na naglalakad habang nagte-text.

Animo’y simbilis ng kidlat na pinasibad ng mga suspek ang motorsiklo at tinangay ang cellphone ng biktima.

Minalas ang batang si Mary Jane dahil nabundol pa ito ng motorsiklo ng mga patakas na snatcher. Dahil dito ay natumba ang motor ng mga suspek na naging daan upang masakote sila ng mga bystander at binitbit sa himpi-lan ng pulisya upang kasu-han.  Cesar Barquilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply