Blue Eagles at Lady Falcons wagi

INIREHISTRO ng Ateneo de Manila ang malaking 23 puntos na kalamangan kontra sa pinapaborang Far Eastern University sa pag-angkin sa unang panalo ng best-of-three finals ng UAAP season 73 men’s basketball tournament nitong Sabado sa Araneta Coliseum.

Sa nakagugulat na 72-49 na pagwawagi ng Blue Eagles ni coach Norman Black na sinaksihan ng 16,841 panatiko ng liga ay nagmistulang sisiw ang Morayta-based Tamaraws na dinagit ng  mga agila sa simula pa lamang ng unang quarters nang itala ang 26-8 na paglipad ng mga asulang Ateneo.

Nangako si Tams coach Glen Capacio na bibigyan nila ng magandang laban ang Blue Eagles sa susunod na laro sa Huwebes na gaganapin sa Big Dome.

Puntirya naman ng mga Loyola basketeers na ipanalo ang susunod na laro tungo sa pagtatala ng 3-peat championship na kauna-unahan ng unibersidad.

Tinanghal na best player of the game si American guard Kirk Long na bumirit ng 14 puntos, 5 boards at ilang steals. Hangad din ng Blue Eagles sa unang pagkakataon sa fastbreak department ng bokyain ng Tamaraws kumpara sa 15 points ng Eagles.

Ang pararangalang most valuable player of the season na si RR Garcia ay nakapuntos ng 11 samantalang ang best rookie awardee na si Terrence Romeo ay nagsumite ng 10 points.

Doble ang inabot na kahihiyan ng mga taga-Morayta nang palugmukin ng Adamson Lady Falcons ang Lady Tamaraws sa women’s division title series sa iskor na 75-69. Sina Anna Buendia at Gretchie Roque ang nagdala ng panalo sa pagdedeliber ng 28 puntos at 22 puntos, ayon sa pagkakasunod sa unang panalo ng katulad na best-of-three finals. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply