BMPAP umalma sa lasenggong kolumnista

Niresbakan kahapon ni Billiards Managers and Players Association of the Philippines chief Perry Mariano ang sobrang negatibong komento ng isang komentarista sa naging performance ng mga  pambato ng Pilipinas sa katatapos na World Cup of Pool na ginanap sa Robinson’s Place Ermita, Manila.

Ayon kay Mariano masyado namang niyurakan ng komentarista ang magagandang ginawa para sa bansa ng kanyang mga manlalaro na sina Dennis Orcollo at Roberto Gomez.

“Ang sama niya, bakit niya sasabihin na dapat bumalik sa pool school sina Gomez at Orcollo na parang sinabihan din niyang mga sira ulo dahil dapat daw ay may kasamang neurologist,” dagdag ni Mariano.

Ayon sa komentarista, naging  pabaya, tanga at hindi handa sina Orcollo at Gomez sa paglaban sa championship match sa World Cup of Pool  kontra sa tumalo sa kanilang  Chinese duo nina Fu Jian-bo at Li He-wen.

Idinagdag pa ng komentarista na tila nagpabaya lang na matalo itong sina Orcollo at Gomez at hindi nagbigay ng magandang laban na  parang hindi nakapag-ensayo dahil laging sumasablay ang mga tira.

Parang nahostage ang Pinoy sa laban at minasaker sila ng mga Chinese sa ipinakitang laro nina Orcollo at Gomez sa championship ng World Cup of Pool, banat sa kanila ng komentarista.

Ibinuwelta ni Mariano na talagang gustong manalo nina Orcollo at Gomez upang makapagdala ng karangalan sa bansa sa pamamagitan ng sports subalit talagang ganoon ang larong bilyar minsan tinatamaan ka ng kamalasan.

“Yes the boys lost,  pero I will remind  you, lalo na ang mga lasengong trying  to put down the Philippine Team, that these players have given pride to  the country more than any Filipino I know specially a drunkard and extortionist columnist,” ayon sa text messages na ipinadala ni Mariano.

Umamin naman sina Gomez at Orcollo na talagang nasaktan sila sa ginawang banat sa kanila ng komentarista dahil parang binastos sila mula ulo hanggang paa.

Matatandaang dinurog ng Chinese team ang RP Team sa championship ng World Cup of Pool sa harap mismo ng mga kababayang Pinoy sa labang ginanap sa Manila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply