Boobs ni Cristine Reyes nahawakan ni Zanjoe Marudo

KAHIT NA NGA nagbati na itong sina Cristine Reyes at Zanjoe Marudo dahil sa pagkakalat ng ex ni Mariel Rodriguez na nahawakan nito ang boobs ni Cristine na umabot pa sa twitter at facebook, hanggang ngayon naloloka pa rin ang dalaga sa hiya.

Patuloy pa rin kasi ang isyu at hindi daw mamatay- matay kaya naman naapektuhan na daw si Cristine.
Ayon sa ating tsismosang kapitbahay, kapag nakikita ng iba si Cristine ay nakatutok daw lalo na ang mga kalalakihan sa kanyang boobs na parang iniisip na sila din ay makahawak ang kanyang malusog na dibdib.

Kaya naman kung minsan ay hindi na lang daw lumalabas itong si Cristine dahil kapag nakita siya ng ilan lalo na ng kalalakihan ang tingin agad ay sa boobs niya.

Tama man o hindi ang pakikipagbati ni Cristine kay Zanjoe ang sa kampo lang ni Cristine ay mamatay na ang isyu kaso hindi daw pala ganun. Umaasa naman ang kampo ni Cristine na malilimutan din at babaling sa ibang isyu ang mga utaw kapag may bagong balita na ikakagimbal ng lahat.

Ang mahalaga ngayon kay Cristine ay itong napatawad na niya itong si Zanjoe na hiling na lang niya na huwag ng ulitin sa kanilang pagsasama sa isang TV series sa Kapamilya network. ‘Yun na!

OYO BOY, KRISTINE HERMOSA TIKOM ANG BIBIG SA KASALAN
Nananatiling tikom kapwa ang mga bibig nitong sina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa hinggil sa kanilang nalalapit na kasal sa 2011.

Kahit nga isiniwalat na ni Dina Bonnievie na nalalapit na ang kasal ng dalawa ay walang masabi ang magdyowa.
Ultimo mga tsismosa kong ka FB ka-Twitter ay knowing na ang nalalapit na kasal nitong sina Oyo at Kristine lalo na sa showbiz world.

Kaso kapag nasasalubong daw nila ang mga ilan nating kaibigan press pipol ay talagang ngiti lang ang tugon ng mga ito at kahit single words sa kanilang bibig ay wala kang maririnig tingkol sa kasalan next year.

Kung ano nga raw ang ibinulgar ni Dina ay hanggang doon na lang daw ‘yun at wala nang maririnig na ilang details sa magdyowa.

Napakamot nga raw ng dalawa sa pag-amin ng dalawa sa kanilang nalalapit na kasal wala naman daw masama kung mismo sa bibig nila manggaling na ikakasal na sila para na rin daw sa kasiyahan ng kanilang tagahanga.
Pero matigas ang paninindigan ng dalawa na hindi magkomento para sa ilang detalye ng kanilang kasal next year. Ang mahalaga ay may nalaman na ang mga fans nina Oyo at Kristine na sila ay magpapakasal na.

Obvious naman na kapwa parehong masaya at blooming na blooming ang dalawa na makikitang in love sila sa isa’t isa.

‘Yun na! Abangan na lang daw natin. May ganun?

MARILYN ERFELO, PATULOY SA PAGTULONG SA MGA NANGANGAILANGAN NG WORK

Patuloy nga sa pagbibigay ng work itong Hawak Kamay Massage Therapy ni Marilyn Erfelo sa lahat ng mga taong gustong magkaroon ng hanapbuhay.

Hindi na nga mabilang pa ang mga natulungan at nabigyan ng hanapbuhay ang Hawak Kamay ni Marilyn.
Marami na rin pinagdaanan na pagsubok itong si Marilyn pero nanatili siyang nakakatayo sa sarili nitong pagsisikap.
Nagbibigay naman ng libreng seminar workshop ang Hawak kamay ni Marilyn na mismo si Ms. Erfelo ang magtuturo ng pamamaaran ng tamang therapy sa mga kliyente.

Patuloy pa rin siya sa pagko-conduct ng seminar para sa mga gustong maging bahagi ng  kanyang Hawak Kamay.
Dagdag pa diyan ang kanyang mga epektibong food supplement na hatid ni Marilyn para mapanatili ninyo ang inyong kalusugan sa pamamagitan ng kanilang Hawak Kamay.

Sa mga interesado na magkaroon ng work at maging bahagi ng kanilang Hawak-Kamay pupuwede naman ninyong i text or i kol si Marilyn sa numero na 09081229529 para maging certified therapist kayo. Bonggacious, di ba? Jovi Llosa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply