Brillante Mendoza at Gina Lopez ng ABS-CBN Foundation, tatanggap ng Gawad Apolinario Mabini

NANG dahil sa kanyang mga kontribusyon sa pag-unlad ng sining at kultura para sa bansa sa pamamagitan ng pelikula, telebisyon at panitikan, gagawaran ang sikat na sikat at 2009 Palm d’Or Best Director sa Cannes International Film Festival na si Brillante Mendoza ng Gawad Apolinario Mabini, isang organisasyon na naglalayong kilalanin ang mga Filipino na nag-ambag ng malaking pag-angat sa iba’t ibang larangan sa lipunan.

Ipinakilala na ng Polytechnic University of the Philippines ang mga magwawagi ng karangalan at ayon kay Brillante, dalawa lang silang taga-showbiz na tatanggap ng parangal.

“Nakapasa kami sa criteria ng Gawad Mabini kaya ayon sa kanilang pag-aaral, karapat-dapat kami sa award,” pahayag ni Mendoza sa piging na kaarawan ng mga peryodistang pampelikula na sina Dondon Sermino at Jerry Olea kamakailan sa Penthouse ng Imperial Palace Suits ni Mother Lily Monteverde.

Kagagaling lang ni Dante Mendoza sa presentasyon at nagulat siya sa dami ng mga estudyante ng PUP.

“65,000 pala ang population ng PUP sa Sta. Mesa pa lang,” pahayag ni Mendoza.

***

Ang isa pang tatanggap ng award ay si Gina Lopez, ang puno ng ABS-CBN Foundation.

Ibibigay ang karangalan kay Gina dahil sa kanyang walang kapagurang pag-oorganisa ng mga hakbang at kilusan sa pangangalaga ng kalikasan.

Pangunahin sa mga proyekto ni Lopez ang 10-10-10 o ang pagtakbo ng mga Filipino sa ika-10 ng Oktubre, 2010 para sa pagbabalik ng kalinisan ng Pasig River.

Ito ang isinusulong ng ABS-CBN sa lahat ng mga programang pantelebisyon at pampelikula at iba pang sangay ng sining ng komunikasyon sa bansa.

***

Bagamat ayon kay Mendoza ay maraming mga peryodista mula sa iba’t ibang istasyon ng telebisyon at radyo sa bansa, sila lamang ni Gina ang napansin niyang taga-showbiz.

Ayon sa masugid na tagahanga ni Vilma Santos na si Willie Fernandez, nominado rin si Nora Aunor sa parangal pero natalo ito sa botohan.

Hindi anya nila agad nalaman ang gawad-parangal na n’yan kaya hindi naasikaso ng mga Vilmanian kahit ang nominasyon ni Vilma.

Sino nga ba ang mga tao sa likod ng organisasyong ito?

Sinabi ni Rustica Carpio, isang beteranang aktres at artista ng bayan, na hindi siya kasali sa Gawad Mabini bagamat nagtuturo siya sa PUP.

“Baka ibang mga PUP leaders ang nag-organize n’yan,” pahayag ni Rustica.

***

Suportado naman nina Piolo Pascual, Kim Chiu, Cristine Reyes, Gerald Anderson, Bea Alonzo, Shaina Magdayao at marami pang iba ang 10-10-10 ni Lopez.

Gayunman, marami ring hindi taga-Kapamilya Network ang sasali sa pagtakbo bastat nagmamahal sila sa kalikasan.

Kahit nga si Mendoza ay ini-endorso ang programa ni Gina dahil ang kanyang pelikulang “Lola” ay ipinalalabas bago ang pagbibigay-impormasyon sa 10-10-10. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply