Briton patay sa love triangle

LOVE triangle ang anggulo ng pulisya sa pagkamatay ng isang British national na tadtad ng saksak sa katawan, habang agaw-buhay naman ang kasintahan nito makaraang pasukin sila sa loob ng bahay ng kinakasama ng babae, sa Angono Rizal.

Kinilala ni Rizal PNP Provincial director Sr.Supt.Manuel Cesar Prieto ang mga biktima na sina JohnLorne McDonald, British national, 28-anyos, na nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Angono General Hospital at ang kasintahan nito na si Nanqueen Romero, 31-anyos, agaw buhay sa  pagamutan, pawang residente ng Acacia st., Brgy.San Vicente sa nabanggit na bayan.

Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Anselmo Lacostales, nasa hustong gulang, nakatira sa Taytay Rizal.

Napag-alaman na ang suspek ay live-in partner ni Nanqueen bago pa dumating sa buhay nito ang namatay na biktima

Naganap ang insidente dakong  alas-4:00 ng madaling araw habang ang mga biktima ay nag-iinuman sa loob ng bahay nang dumating ang suspek na nagwawala saka walang habas na pinagsasaksak ang mga ito.

Nauna rito,  si Nanqueen ay matagal nang live-in partner ng suspek at nakilala lamang si McDonald sa pamamagitan ng pakikipag-chat sa internet, na kalaunan ay naging magkasintahan. Doon ay niyakag na ni Nanqueen na magpakasal sila kaya pumunta sa Pilipinas ang nasawi.

Ito ang ikinagalit ng suspek kaya naganap ang nasabing krimen. Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply