Bulkang Taal nag-alburuto uli

MULI na naman nag-alburuto ang bulkang Taal makaraang makapagtala ng pitong (7) volcanic earthquake sa paligid nito ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcnology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs,  nakataas pa rin ang alert level 1 sa paligid ng bulkang Taal at pinaalalahanan ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa banta ng steam explosion  at  toxic gases.

Sinabi pa ng Phivolcs na ang hilagang bahagi ng bunganga ng bulkan sa bisinidad ng Daang Kastila Trail ay mapanganib kung tataas ang steam emission .

Sa nakalipas na linggo nakapagtala ng 82 volcanic earthquake sa paligid ng bulkan. Santi Celario

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply