Businessman patay sa holdaper

DALAWANG tama ng bala ng baril ang kumitil sa buhay ng isang freelance salesman nang holdapin sa Quipao Maynila kamakalawa ng gabi.

Idineklarang dead on arrival ni Dr. Alazueedimarl Saimaran Hospital ang biktima na si Carlos Lopez, 46, ng 394 Lallana st., Capulong, Tondo, Maynila.

Ayon kay PO2 Lester Evangelista, dakong 6:45 ng gabi nang holdapin ng hindi nakilalang salarin ang biktima sa Arlegui st., Quiapo matapos makapaningil ng kanilang pautang.

Si Lopez ay freelance salesman ng packing tapes at plastic sheets.

Nauna rito, inutusan umano ni Lopez ang kanyang driver na si Edison Samonte “alias” Pipoy  na kunin na ang kanilang motorsiklo na nakaparada hindi kalayuan sa kinatatayuan ng biktima.

Agad namang sumunod si Samonte kay Lopez ngunit hindi pa man nakakalayo ang una ay bigla na lamang siyang may narinig na malakas na putok ng baril.

Kaagad na tumakbo pabalik si  Samonte at dito niya nakitang nakabuglata na si Lopez.

Isinugod ni Samonte  ang biktima sa nasabing pagamutan subalit hindi na umabot nang buhay.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply