Carjacker na nakapatay ng pulis, tinutugis

MALAWAKANG man-hunt operation ang ikinasa ng QCPD sa kilabot na carjacker na pumatay sa isang kagawad ng pulisyta sa Quezon City.

Ang kautusan ni QCPD Director General Benjardi Mantele ay dahil na rin sa impormasyon na natatanggap hinggil sa patuloy na operasyon ng kilabot na grupo at mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng isa niyang tauhan na si PO1 Efren Jacoba na nakatalaga sa Mobile Patrol ng Quezon City Police District (QCPD).

Matatandaan na si PO1 Jacoba ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Quezon City General Hospital bunga nang tinamong tama ng bala nang maganap ang insidente sa Road A, Road 2, Brgy. Pagasa, ng nasabing lungsod.

Nauna rito, sapilitang tinangay ng mga suspek ang Honda Civic at habang papalayo sa nasabing lugar. Inakala ng gma ito  na nasundan sila ni Jacoba na sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Mindanao Ave.

Biglang inihinto ng mga ang kanilang sasakyan kung saan isa sa mga salarin ang armado ng baril at walang  pinagbabaril ang nasawi.

Nang masigurong patay na biktima ay mabilis na tumakas ang mga carjackers at iniwan sa kahabaan ng may Mindanao ave. ang tinangay na Honda Civic. James de Jesus

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply