Catholic wedding nina Robin at Mariel sa Pasko

SA ISANG panayam, hinihintay na lang daw nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla ang finality ng annulment ng civil wedding ng huli sa unang asawa nito na si Liezel Sicangco, para makapagpakasal na rin sila sa simbahang Katoliko.

Ani Mariel, kapag naibigay na ng korte ang annulment, tuloy ang kanilang Catholic wedding sa December 25.

Napabalita na kasal na ang dalawa sa Muslim mahigit isang buwan na ang nakaraan sa Taj Mahal sa India.

PANGALAN AT MUKHA NI MARIEL IPA-TATTOO NI ROBIN SA KATAWAN, MARIEL KINILIG

Samantala, mas dumami ang burda sa katawan si Robin nang maging bida siya sa isang teleserye sa GMA-7, ang Burdado” at katulad ng kanyang mga naging karelasyon, hindi rin  mawawala si Mariel Rodriguez sa kanyang katawan.

Pahayag ni Binoe, ipapa-tattoo niya sa katawan ang mukha at pangalan ni Mariel Rodriguez.

Kinilig naman si Mariel, sinabi nito sa isang panayam na kahit i-tattoo o hindi ang pangalan niya ang importante nakaukit ang pangalan niya sa puso ni Robin Padilla.

SARAH GERONIMO NAKIKIPAGSABAYAN KAY COCO MARTIN SA AKTINGAN

Hindi lang pala pang comedy or light drama ang kaya ng “Idol” ng bayan na si Sarah Geronimo.

Pinatunayan ng tinaguriang Pop Princess na kaya rin nitong makipagsabayan sa mga bigating eksena sa “Idol” tulad na lamang ng tagpo nila ni Coco Martin noong nakaraang linggo kung saan sumabak ang dalawa sa isang matinding komprontasyon.

“Magaling si Sarah. Madadala ka rin sa kanya eh. ‘Di mo iisipin na may lalim ang pag-arte niya dahil napaka-natural at masayahin niya talaga sa loob at labas ng kamera. Kaya noong may eksena kami na medyo mabigat, hindi siya talaga nagpahuli. Galing talaga,” pahayag ni Coco.

Samantala, lubos naman ang tuwa ni Coco dahil ang kanyang pelikulang ‘Noy’ ay ang napiling official entry ng bansa para sa prestihiyosong Oscars.

OooO

Sa Season 2 ng Sa “Face to Face” season 2, mapapanood ngayong Wednesday, Sept. 28, ang episode na “Pakialamera Kong Biyenan, Ayaw Kaming Tantanan”. Ang Trio Tagapayo sina Atty. Persida Acosta, Dr. Camille Garcia at Fr. Sonny  Merida.

Bukas Huwebes, Sept. 29, “Para Sa Akin, Patay Na Ang Tatay Ko”; Biyernes, Oct. 1 “Maghipag Noon, Mortal Na Magkaaway Ngayon”. Ang Trio Tagapayo ay sina Atty. Jon Lopez, Dr. Camille Garcia at Fr. Sonny Merida.

Ang “Face To Face”  ay napapanood sa TV5, hosted by Amy Perez. Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply