Celfone ni Mendoza nasa Hong Kong na

Inatasan ng Legislative Council ang Hong Kong police na ibalik kaagad sa mga awtoridad sa Pilipinas ang tatlong cellphones na ma-ling naibigay sa kanila ng PNP.

Kinumpirma ng pulisya sa Hong Kong na tatlo sa walong cellphones na nai-turnover ng PNP sa kanila ay hindi  pag-aari ng mga biktima ng hostage taking.

Nabunyag sa ginawang pagdinig ng IIRC noong  Sabado na nawawala ang cellphone ng hostage-taker na si dating C/Insp. Rolando Mendoza.

Ayon naman kay Hong Kong Legislative Council Deputy Chairman James To Kun-sun, dapat maibalik kaagad ang naturang mga mobile phones sa Pili-pinas.

Mahirap na umanong gamitin pa itong excuse ng mga awtoridad sa Pilipinas para maantala ang ginaga-wang imbestigasyon.

Kaugnay nito ay nagpaliwanag si  Hong Kong Security chief Ambrose Lee na mapayapa at taimtim na ipinagluluksa ng kanyang mga kababayan ang sinapit na trahedya sa Pilipinas.

Ginawa ni Lee ang paha-yag kasunod ng mga hindi beripikadong ulat na tinanggap ng mga OFW sa HK.
Batay sa mga tinatanggap na text messages, may isa umanong OFW ang pinaslang, habang may isa pa ang sinabuyan ng asido at nakakadinig umano sila mga sunod-sunod na putok.

Gayunpaman, pinabulaanan lahat ito ni Lee kasabay nang pagsasabing pinagluluksa nila ang mga nasa-wing kababayan sa pamamagitan ng martsa, Internet at pagdarasal.  Ipinagtanggol din ni Cyd Ho, kasapi ng legislative council, ang mga Filipino community sa HK.

Aniya, biktima rin ng kapabayaan ng pamahalaang Pilipinas ang mga kasamba-hay sa HK.
Sa kasalukuyan, dalawang OFW lamang ang sinibak sa trabaho ng kanilang amo kasunod ng trahedya. Freddie Cortiez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply