Character actress, kinasuhan

NAGING MAINIT ang talakayan, pag-uusap at paghaharap sa Pinagkaisahan Barangay Hall sa may Mother Ignacia St., and Roces Ave , Quezon City, ng aging character actress na si Odette Khan at movie producer na si Anthony Hernandez sa mga lupon ng barangay particular sa hearing officer nitong si Ronald Magno.

Ang pinag-ugatan ng nasabing argument nina Odette Khan at Anthony Hernandez ay tungkol sa tsekeng inisyu ng huli kay Tita Odette. Sinasabing tumalbog daw ang naturang tseke na mabilis namang inagapan ni Hernandez para ayusin at mapondohan. Ayon pa kay Anthony, Aug 24, 2010 nang pondohan nya ang naturang tseke  na nagkakahalaga P10,000  at para siguradong maayos na ang lahat kaagad daw na nagtext ang kaibigan naming producer kay Odette Khan.

Pero laking pagkamangha ng kawawang si Anthony makaraang matanggap niya ang isang notice mula sa barangay Pinagkaisahan  matapos siyang ireklamo at asuntuhan  ng bouncing check ni Odette Khan.

Ang naturang subpoena na ipinadala ng nabanggit na barangay ay nagpunta pa sa mismong opisina ng Star-ca Production na pag-aari ni Anthony Hernandez itong si Odette Khan na may bitbit na mga barangay tanod. Kung ganun, malakas pala ang kapit nitong si Odette Khan sa mga barangay chairman Leopoldo Tiamson at sa mga taga lupon sa pangunguna ni  Ronald Magno dahil dala ng nasabing aging character actress ang mga barangay tanod para makagawa ng iskandalo sa mismong tapat ng opisina  ni Anthony Hernandez.

Pero teka lang, hindi naman residenteng Q.C si Odette Khan paano itong nakapaghain ng kanyang reklamo laban kay Hernandez? Bukod pa roon pinagtatawagan pa daw ni Odette Khan ang mga nanay ng mga nagworkshop dito para sirain ang kredibilidad ng kawawang produ!

Para maibsan ang galit ni Anthony pinag-iisipan nito  ngayon na sampahan ng kasong libel, defamation of character and damages sa payo na rin ng kanyang mga mga abogado. Danny Batuigas

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply