Chemist ginawang pagkain ng mga daga at uod

PINAGPIPIYESTAHAN  ng mga daga ang mukha at inuuod ang katawan ng isang chemist nang madatnan ng mga awtoridad sa loob ng bahay nito, sa Caloocan City.

Naaagnas ang katawan  ni Conchita Que, 70, dalaga, nang  madatnan ng mga awtoridad sa bahay nito sa 172 F. Roxas st., cor. Cordero st., West, 5th Avenue, sa nasabing lungsod.

Ayon kay SPO2 Montebon, dakong alas 10:00 ng umaga, umalingasaw ang mabahong amoy sa loob ng bahay ng biktima na nasamyo ng mga kapit-bahay nito.

Tumawag ng pulis at SOCO ang mga barangay officials saka sapilitang binuksan ang pintuan ng bahay.

Nadiskubre ng imbestigador na nakabukas ang drawer ng biktima habang ang vault nito ay hindi naman nabuksan. Wala raw makasundo ang biktima kasi masungit ito kaya nag-iisa lang sa bahay at nagpapakulong pa raw ng kagawad, ayon na rin sa mga tagaroon.

Noong nakaraang buwan, ninakawan din ang bahay ni Que at ang pinagbibintangan ay isa sa kapitbahay nito. Jun Samson/Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply