Claire dela Fuente ikakasal na

NAGSIMULA ang issue sa panunukso ng ilang mga kasamahan sa hanapbuhay kina Claire dela Fuente at magaling na character actor na si Richard Quan.

Pagkatapos, pumutok pa last Saturday ang issue pakakasal na si Claire kay Richard. Ibinalita ito sa radyo at pinalabas sa isang cable network. May isang lady editor pa na nagtanong mismo sa inyong dear columnist kung true ba na lalagay na sa tahimik si Claire? Very alarming ang nasabing news item kaya’t itong pinabulaanan ng ating global artist. Nagtawagan na kasi ang mga kapatid nito, kaanak at ilang malalapit na friends from entertainment press. Kahit ang two sons ni Claire ay tinatanong na rin siya regarding the issue.

Kaya, to set the record straight ay narito ang ilang statement ni Claire sa isyung lumabas sa kanila ni Richard.

Hindi na lang pala ang alaga ni Clara na si Bela Padilla ang controversial ngayon. Kundi pati na rin ang nasabing sikat na Viva artist/enterpreneur.

“Ha ha ha! Totoong ikakasal na si Richard pero definitely ay hindi ako ‘yung bride-to-be kundi non-showbiz girl. Yeah, Richard admitted to me na pakakasal na siya tentatively by June next year.

“Two names ang ibinigay niya kaya’t confusing. So bahala na lang kayo kung sino kina Von Andrie Clemente at Von Nicole Cruz ang babaing ihahatid niya sa altar.

“Yeah it’s definite. At wala nang hassle sa kasalang ito dahil according to Richard’s circle of friends na mga nakakausap ko lately ay converted na raw sa religion ni Richard na Iglesia Ni Cristo ‘yung girl. As of now they’re preparing na for the whole entourage of their wedding.

“Nakakatawa nga eh, kasi kinukuha ako ni Richard bilang secondary sponsor. Yeah, alam na ng family niya, relatives at mga friends ang paglagay niya sa tahimik na ito. And I wish them both all the best ang sana mag-last ‘yung kanilang relationship,” very sincere pang statement ni  Claire.

At kung bakit naugnay ang pangalan ni Claire kay Richard at kumalat sa buong showbiz na may relasyon sila. Well, maliban sa nag-umpisa nga ang lahat sa tuksuhan ay madalas kasing nakikitang magkasama sa mga charity project ang dalawa. Laging nakasuporta kasi si  Claire sa mga magandang adhikain ni Richard na makatulong sa kapuwa. Muling idiniin ng sikat na Diva na close friend lang talaga sila ni Richard at wala silang commitment nito sa isa’t-isa.

Yes, kahit matagal ng biyuda si Claire sa husband businessman na si Boy de Guzman ay kahit na maraming boylets pa ang mga umaali-aligid sa kanya, hanggang ngayon wala pa rin siyang ipinapalit sa pinakamamahal na Mister.

Loud and clear!

VIC SOTTO AT PIA GUANIO, SUPER SWEET NA ULIT

AYON sa report ng aming collegue na si Allan Diones na kasama sa entourage ng very successful show ng “Eat Bulaga Live in Anaheim” In Los Angeles, California na ginanap sa Heritage Forum last September 18, balik ka-sweet-an daw sina Pia Guanio at Vic Sotto.

Hindi man daw nagkaroon ng mahabang bonding ang mag-honey na Vic at Pia dahil halos one week lang nag-stay roon ang EB Dabarkads panay na naman ang kanilang biruan. Sa rehearsal nga raw the day before show proper ay nagkukulitan na naman sa isa’t-isa sina Bossing at labs na si Pia.      At nang mag-dialogue raw si Pia na pagod siya, hiniritan siya ng boyfriend TV host nang: “Dumating lang ako, napagod ka na? Biniro pa raw ng ilan ang dalawa na para silang sina Kim Chiu at Gerald Anderson na pabiro naman daw sinagot ni Bossing na “huwag ‘yon, break na silang dalawa di ba? May Bea (Alonzo) na si Gerald, nakangiting dayalog pa ni Bossing kay Allan D.

Ang pinaka-bonding raw ng mag-sweetheart ay nang kumain ang mga ito ng masarap na burger sa Five Guys Burger sa East Coast. Eto pa, parehong ganadong-ganadong kumain ang dalawa ng 8-course Chinese dinner na inorder ni Ma’am Malou sa kinainan ng EB tropa sa Ten Ten Seafood Restaurant.

O hayan ha? Siguro naman matitigil na ang tsismis kina Bossing at Pia na hindi totoo na hiwalay na ang magsiyota. Samantala, tungkol naman sa ginawang show ng Bulaga ay masayang ikinuwento ni kapatid na Allan sa kanyang kolum sa isang panghapong tabloid na tuwang-tuwa ang producer ng show sa Anaheim dahil nagdagdag pa sila ng VIP seats para ma-accomodate ‘yung mga taong nasa loob ng Heritage Forum. Imagine 2,130 lang daw ang seating capacity ng venue pero umabot sa mahigit 2,450 ang mga kababayan natin at mga foreigners na nanood ng nasabing show.

Grabe raw kaagad ang hiyawan ng audience sa pag-entra ni Jimmy Santos na may pa-rap-rap pa sa kanyang opening spiels. Masama ang pakiramdam ni Tito Jimmy at sobrang paos ang kanyang boses pero klik pa rin siya sa mga kababayan natin.

Naging matindi ang reaksyon ng mga tao kung saan dumagundong talaga ang buong Heritage Forum ng lumabas na sa stage sina Bossing Vic at Tito Joey de Leon sa kanilang get back ng Beatles sa kanilang opening song.

Ilan pa sa mga inawit ng dalawa na may halong pagka-naughty na aliw na aliw ang lahat ng audience ay ang: O Kikay, Mang Gusting, Kaysarap ng May Minamahal, Si Felimon, Sarangola ni Pepe at ang Finale song na Sapatos ni Sion na may famous line ang magkaibigan na “Kikinis ‘yon!” Bentang-benta rin ang naughty interpretation ni Wally sa classic hit ni Freddie Aguilar na “Anak”.

At isang avid fan at excited na Amerikano ang nakatsika ng Wacky tandem na sina Wally Bayola at Jose Manalo bago nila simulan ang kanilang naughty portion. Pasigaw na sinabi ng Kano sa mic na “Eat Bulaga is the No.1 show!” At humirit ito ng “Because Every one is great!”      Humataw naman ng sayaw ang EB Babes sa saliw na theme song ng Eat Bulaga, sabay entra ng Kiss song number ni Allan K with Ruby Rodriguez at Anjo Yllana na pakuwelang nag-kiss sa entablado.

Humataw naman sa kanilang dance number sina Pia Guanio, Julia Clarete at Pauleen Luna sa unang hit na Lady Gaga na “Poker Face”. Ang tindi ng impact ng dance number ng tatlo sa mga manonood. Walang Lusot/Peter S. Ledesma

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply