Coco Martin, itinangging nanliligaw kay Sarah Geronimo

MARIING pinabulaanan  ni Coco Martin, ang isa sa mga hot actors ngayon na nanliligaw daw ito sa Pop Star na si Sarah Geronimo.

Wala daw katotohanan ang isyu at tsismis na nanliligaw siya dito dahil mas happy at kontento muna si Coco as a single.

Ayaw na daw ni Coco ng taga-showbiz ang maging gf nito after Katherine Luna, ina ng anak nila.

Para kay Coco ay masyado daw kumplikado kung kapwa artista ang magiging dyowaers niya at if possible ay gusto ni Coco na ang mamahalin ay hindi taga- showbiz.

Natatawa na nga lang daw ang kampo ng binata sa isyung naglabasan na todo diga at panliligaw daw siya kay Sarah.

Hindi daw trulili ‘yun magkaibigan lang daw sila at magkasama sila sa isang reality show na Idol sa Kapamilya.

Kaya pakiusap ng kampo ni Coco na tigilan na ang isyu at nahihiya naman daw siya sa magulang ni Sarah na napakabait pa naman sa kanya.

At mismo kay Sarah ay nahihiya din siya dahil sa tsika na puspusan daw ang kanyang panliligaw dito.

Aminado naman ang binata na may attractions sa  kanya si Sarah pero hindi naman daw sa punto na magte- take advantage na ito at liligawan na ang dalaga porke kasama niya ito sa isang TV show.

Maituturing daw ni Coco si Sarah na isang babasaging baso na kailangang ingatan!

May ganun? Well…

PURING PURI NAMAN NG TAGA NPC ANG PAGHATAW NG KANTA NI JUNINE JARABO at NICOLE INFANTE

Halos tulala at hindi makapaniwala ang lahat sa husay ng perfomance na ipinakita nitong finalist sa gagawin na 8th Children’s Power na si Junie Jarabo at itong Ballad Princess ng Center for Pop na si Nicole Feliz Infante.

Halos mabingi ang lahat sa lakas ng hiyawan at palakpakan ng pambungad na nagpakitang gilas itong sina Nicole na maraming na in love sa awitin nitong Hanggan popularized by Wency Cornejo kaya more at more pa ang sagot ng taga National Press Club sa Birit Bulilit at umawit naman nito ang Climb na mas lalong tumindi ang hiyawan.

Sumunod naman na humataw ay itong isa pang grabe to the max na kids na paborito ko ngayon mag-perform itong si Junine na talagang maraming napaindak sa husay nito sa pagkanta ng Baby popularized by Justine Beiber na nagustuhan ang sarili nitong version. Inawit din original song ni Charice Pempengco na Pyramid.

Dinaig pa nga raw ang hiyawan sa Araneta Coliseum sa husay ng dalawang bagets kaya naman natuwa ang bertdey girl at publisher ng Pipols Lider na kasabay na isinelebreyt ang 7th anniversary ni Amor Virata at mismo ang NPC President na enjoy sa performance nitong sina Junine at Nicole!

TANDEM NINA RICKY URSUA AT ANDY BELTRAN, MAY GOOD CHEMISTRY

Bonggaceous naman ang tandem ng dalawang mahusay na broadcaster na magkasama sa programang Nagmamahal…Pauline na sina Ricky Ursua at Andy Beltran na parang That’s Entertainment ang arrive sa radyo sa DWSS 14.94khz sa inyong talapihitan na mapapakinggan every Friday from 3 to 4d p.m.

May tsika pa sa amin ang prodyuser na baka magkaroon ng TV show ang dalawang mahusay na host ng Nagmamahal… Pauline na sina Kuya Ricky at Kuya Andy sa darating na panahon.

O, di ba, bongga talagang tuloy tuloy na ang perfect tandem nina Ricky at Andy sa Nagmamahal…Pauline. Kinig na! Jovi Lloza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply