Comelec officials ‘di sumipot sa budget hearing sa Kamara

Tila walang gana ang mga opisyal ng Commission on Elections na idepensa ang kanilang budget para sa susunod  na  taon dahil sa hindi  nila pagsipot  sa  ginanap na pagdinig  sa Kamara kahapon.

Nabatid na tanging si Comelec spokesperson James Jimenez ang dumalo at hindi nagpakita sa house panel sina Comelec Chairman Jose Melo at tatlo nitong commissioners.

Binigyan lang ng Malakanyang ang Comelec ng P1.9 bilyong budget para sa 2011 mula sa proposal ng ahensiya na P4.5 billion.

Binawasan naman ng mahigit kalahati ng Malacañang ang budget para sa eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao sa susunod na taon.

May P480 million lang ang inilaan na budget ng gobyerno sa ARMM election.

Ayon kay Comelec spokesman Jimenez, sa ganitong budget, mahihirapan sila sa full automation.

Ayon sa opisyal, maaring gumawa na lang ng rekomendasyon ang Comelec kung paano pagkasyahin ang maliit na budget.

Inihayag ni Jimenez na may sapat pa namang oras ang advisory board para magsumite ng rekomendasyon sa Comelec sa gagamiting teknolohiya para pagkasyahin ang maliit na budget.

Napag-alaman na noong 2008 election, mahigit P800 million ang budget ng poll body sa ARMM. Beth Aragon

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply