Constitutional crisis at koleksyon sa ilegal ng MPD

DAPAT na ipakita ng mamamayan ang kapangyarihan nitong linisin ang gobyerno sa mga tiwali.

Kaugnay ito, mga Bro, ng mga nagaganap ukol sa impeachment o kaso para sibakin sa puwesto ang kasalukuyang bosing ng Ombudsman.

Nitong huli, pansamantalang pinigil ng Korte Suprema ang pagkilos ng Kamara para sa impeachment ni Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Tumakbo at nagpasaklolo si Gutierrez kina Chief Justice Renato Corona sa halip na sagutin ang mga akusasyon ng kanyang mga kontrabida sa Kamara.

Hiniling niya kina Corona na pansamantalang pigilin ng mga ito ang pag-usad ng kaso dahil labag umano ito sa Saligang Batas at agad naman siyang pinagbigyan.

Ikinatwiran ni Gutierrez, hindi umano naaayon ang ginawang impeachment ng Kamara sa sinasabi ng Saligang Batas na dapat isang kasong impeachment lang ang isasampa sa loob ng isang taon.

Makaraan nito, mga Bro, sinabi ng mga kongresman na wala silang nilalabag na tadhana ng Saligang Batas dahil magkasamang isinumite ang dalawa at magkahiwalay na impeachment complaint sa iisang petsa sa House Committee on Justice.

Hindi rin dapat umano naglabas ng temporary restraining order ang Hukuman dahil eksklusibong trabaho ng
Kongreso ang paghawak ng kasong ganito, bukod pa sa pagiging magkahiwalay at magkapantay ang Kongreso at Korte Suprema

Abangan na lang natin kung magkakaroon ng constitutional crisis sa nangyayaring ito.

oOo

Kulang ang ating nailagay na koleksyon ni Mike Pornillos para sa Manila Police District.

Yung P420,000 kada Linggo pala ay para lang sa opisina ng District Director.

Kung kay Gen. Rongavilla nakakarating o hindi ay hindi na natin gustong alamin.

Meron pa palang P20,000  para raw sa dalawang retired na opisyal na sulsultant daw ng MPD.

Pero yung P32,000 na para sa mga staff ay ginawang porkchop ng ilang gago d’yan sa MPD.

Sa pamunuan ni bagong PNP Chief Gen. Raul Bacalzo ay dapat lang siguro na unahin na nitong ire-shuffle ang mga bugok d’yan sa MPD na puro pangongotong ang inatupag.

oOo

Ugaliin pong panoorin ang programang Meet the Press sa NBN channel 4 tuwing Huwebes 8-9PM.

Personal n’yo pong mapanonood ang ULTIMATUM sa programang ito.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text     o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply