Contraceptives ililibre ng DOH

MAMIMIGAY muli ng condom,pills at iba pang uri ng contraceptive ang Department of Health (DOH) kasabay ng suporta ni Pangulong  Aquino  sa  pagplaplano ng pamilya  o birth control sa artipisyal na paraan.

Nilinaw  ni Dr Eric Tayag, director ng National Epidemiology Center ng DOH na nasa mag-asawa pa rin kung papaano nila iplaplano ang pagkakaroon ng anak.

Ayon pa kay Tayag,malaya pa rin ang bawat mag-asawa kung gagamitin ang mga ito ng contraceptive at hindi sila pupuersahin ng gobyerno upang gumamit ng nasabing mga birth control.

Matatandaang inihayag ng Pangulong Aquino na mamimigay siya ng libreng condom sa mga mahihirap na mag-asawa.

Ang pahayag ng Pangulo ay sa kabila ng kaliwa’t kanang pagtutol ng Simbahang Katolika na naniniwalang hindi maka-Diyos ang paggamit ng mga contraceptives.

Pangunahing inaalmahan ng mga obispo ang isinusulong na reproductive health bill na pinangangambahang maisabatas sa ilalim ng Aquino administration. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply