Convicted boxer kasama sa undercard ni Pacman

INAASAHANG makakalaya na si unbeaten junior middleweight contender James Kirkland (25-0, 22 KOs) sa September 17 ayon kay co-manager Michael Miller.

Sinabi ni Miller na si Kirkland ay nasa isang halfway house sa Austin habang inaayos na ang kanyang mga laban sa November 6 at December 4.

Magugunitang si Kirkland ay isinailalim sa federal custody matapos umamin sa weapons charge. Ito ang dahilan kaya tinanggal siya sa undercard ng Ricky Hatton-Manny Pacquiao sa Las Vegas noong nakaraang taon.
Nadakip si Kirkland, 25, sa isang traffic stop sa Austin, Texas at siya ay inasunto ng ‘unlawful possession of  firearm’.

Sasagupa sana si Kirkland kay Michael Walker sa isang 10-round televised bout sa MGM Grand noong May 2, 2009.  GP

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply