Corruption sa Pag-IBIG, miyembro ang kawawa

PAPASANIN  mga miyembro ng Pag-IBIG Fund  ang katiwalian sa ahensiya kung saan bilyong piso ang nadambong sa mga kaduda-dudang transaksiyon sa housing programs.

Ito ang ipinahayag ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga  sa pagsasabing  oobligahin ang mga miyembro na dagdagan ang kontribusyon, liliit ang pwedeng utangin  ng mga miembro at tiyak na lolobo ang subsidiya ng gobyerno.

“ Congress is obligated to exercise exceptional due diligence in guarding these hard-earned contributions of ordinary and public sector workers,” giit pa ni Barzaga.

Dahil dito, pinamamadali ng mambabatas sa kasalukuyang pamunuan ng Pag-IBIG Fund ang pagsusumite ng mga pangalan ng staff at opisyal maging ng kanilang mga kaanak na nagkaroon o nagmamay-ari ng yunit sa alinmang proyekto ng Globe Asiatique Realty Holdings Corporation.

Pinaboran ni Barzaga ang ipinalabas na memorandum ni Pag-IBIG Fund Officer-in-Charge Emma Linda Faria na nag-aatas sa lahat ng opisyal at staff ng ahensya na isumite ang pangalan ng kanilang mga kaanak, kapatid, asawa o anak na may yunit sa Globe Asiatique.

“ This is definitely an exemplary step by Pag-IBIG’s new management , in accordance with the safeguards of the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees against potential conflicts of interest,” ayon pa kay Barzaga. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply