Cristine Reyes, ‘pictorial queen’ pa rin

TANGAN-tangan pa rin nga raw ni Crsitine Reyes ang titulong pictorial queen na ibinansag sa kanya ng ilang taga- showbiz world.

Pinangatawanan nga ni Cristine ang pagiging pictorial queen at sa latest nitong pagpa-pictorial ay pinatunayan ni Cristine na siya pa rin ang Reyna pagdating sa pagpo-pose ng paseksihan.

Sa latest niyang product endorsement ay makikita daw itong pinaka-daring niyang pose.

Hindi nga lang daw kamag-anakan nito  ang pumupuri sa gandang mga pictorials ni Cristine, dahil ultimong mga ibang tao ay talagang hanging-hanga sa maalindog, mapangahas at mapang-akit na posing ni Cristine sa bago nitong pictorial.

Oks lang naman daw sa kampo ni Cristine kung maging titulo niya ito for life ang pagiging pictorial queen. At least daw at may titulo siyang hawak-hawak kahit pa sabihing pictorial queen lang siya ay okey sa alright na ‘yun para sa sexy-actress na si Cristine.

Abangan!

KC CONCEPCION, IPINAHAYAG ANG FIRST BF

Buong ningning naman na ipinahayag ng Mega daughter ni Sharon Cuneta na si KC Concepcion kung sino ang kanyang naging first bf.

Maraming hindi nakaalam na may naging bf pala si KC kaya naman maloka-loka ang lahat ng press pipol sa pag- aanunsiyo nito kung sino ang naging una nitong nobyo.

Maraming na-link kay KC pero wala naman daw naging serious bf at walang inamin dahil puro na-link lang sa kanya.

Knows na knows daw ni Shawie ang first bf ni KC na isang singer-composer na kung minsan nga raw ay nagteteksan pa sila para gawan siya nito ng kanta.

Pero hanggang doon lang ang kanilang pagte-text ng nasabing singer-composer na first bf ni KC. Hindi na nga nakapagpigil at inamin ni KC na si Rico Blanco ang una niyang bf at naging first love.

Naging mahusay naman daw ang kanilang pagbi-break ayon pa sa aming tsismosang kapitbahay.

Kahit pilit na inili-link si KC kay Piolo Pascual ayon sa ating tsismosang kapitbahay na para raw may in common itong si Rico at Piolo.

May ganun?

Abangan!

NICOLE INFANTE, EXCITED NA SA PAGKANTA SA PALASYO!

Excited na nga ang ballad princess na si Nicole Infante sa pagkanta sa Palasyo na isang malaking karangalan naman para sa kanya.

May nakarating sa kanilang kaalaman na may plano daw ang Malakanyang na pakantahin ang birit beybi na si Nicole.

Kung sakaling matuloy ang pagkanta ni Nicole sa Palasyo ay hahandugan niya ng bonggang-bongga na mga awitin na iaalay niya kay P-Noy.

Sa nakaraang pa concert ng Center for Pop ay naging most applauded ang performance ni Nicole sa pag-awit niyang Hanggan at Climb.

Tumanggap naman ng maraming papuri ang bulilit birit  sa CFP concert at may bago itong titulo na ballad princess na mismo ang taga Center for Pop ang nagbansag.

‘Yun na! Inbox/Jovi Llosa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply