Criterium champ si Mangahis
ISANG maigting na panalo ang naitala ng ipinagmamalaki ng grupong Nuevo Mileno — si Hilson Mangahis — sa ginanap kamakalawang padyakan laban sa pagbabago ng panahon o climate change sa criterium race na ginanap sa Alabang Filinvest Corporate City sa Marikina..
Tabla ang apat na siklista sa Ctirerium Race ng tinawag na Sonshine Cycling Festival 2010 kung saan gahiblang inangkin ni Mangahis ang kampeonato sa isang oras at dalawang ikot na pagtatapos.
Dinomina ni Mangahis ang pulutong, na may identical clocking na isang oras, 13 minuto at 16 na segundo, upang angkinin ang P5,000 gantimpala para sa korona, samantalang naibulsa naman ng pumangalawang si Alvin Benosa ng Koponang Oakley ang P3,000 at samantalang nagkasya sa P2,000 ang naka-tansong si Lloyd Reynante ng 7-Eleven Team.
Ginanap din sa dalawang araw ng padyakan ang Team Road Race na nakarating sa Lungsod ng Tagaytay pabalik, Mt. Bike Competition, samantalang pinarangalan din dito ang pinakamatuling Junior at Kid cyclists, bukod sa Women’s Open, Master A (36-49) at Master B (50-yrs & above). Ed Paez
You must be logged in to post a comment Login