Cro Cop tulog kay Frank Mir sa UFC 119

Pinatunayan ni Frank Mir na talagang nag-imprub na ang kanyang punching skills matapos  durugin kahapon si Mirko Cro Cop sa UFC 119 na ginanap sa Conseco Fieldhouse sa Indianapolis.

Isang malupit na kaliwang suntok sabay hatak sa ulo para i-set up ang isang  knee strike upang tapusin ang laban ang ibinigay ni Mir kay Cro Cop.

Tumama kay  Cro Cop ang isang matinding knee strike sa Round 3 na nauwi sa KO, ayon sa ulat.

Pagkatapos ng laban, parang wala sa sarili si Mirko Filipovic (tunay na pangalan ni Cro Cop) at tinanong pa niya si Mir kung ano ang nangyari.

Dahil sa panalo, nag-imprub ang record ni Mirko  sa 14 wins at 5 losses, samantalang si  Cro Cop ay may  27 wins, 8 losses, 2 draws at 1 no contest.

Sa  co-main event, tinalo ni  Ryan Bader sa pamamagitan ng unanimous decision ang beteranong si Antonio Rogerio Nogueira.

Sa ibang laban, wagi si Chris Lytle kontra kay Matt Serra samantalang si Sean Sherk ay nangibabaw via split decision kontra kay Evan Dunham.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply