Cuello uupakan na si Rachman

NAGBANTA si WBC International Minimumweight Champion Denver Cuello na dudurugin niya ang kanyang katunggali sa ibabaw ng ring ngayong Sept. 25 sa Iligan City.

Tinatapos na ni Cuello ang huling yugto  ng kanyang training camp  para sa pakikipagbangasan niya kay Indonesian Mohamad Rachman.

Ayon sa kampo ni Cuello, umaabot lamang sa walong rounds ang ginagawa nila sa tuwing sumasabak siya sa sparring sessions.

Natuklasan na pawang malalaking mama ang nakakasagupa ni Cuello sa spar sessions.

Kasama niya rito si stable mate at dating PABA champion Marvin Tampos.

Sinabi ni Cuello na nakahanda na siya sa sagupaang ito.

Anuman aniya ang dadalhin ni Rachman sa ibabaw ng ring ay nakahanda na siya at kaya niyang patagalin ang laban.

Hindi rin aniya siya magmamadali at kapag nakahanap ng pagkakataon ay patutumbahin niya ito.

Ang banatan ng dalawa ay magaganap sa MSU IT Gym sa Iligan City.

Darating na ang Team Rachman sa September 22 sa Cagayan de Oro.

Ang weigh in at presscon naman ay gaganapin sa September 24 sa Gaisano City Mall at bukas ito sa publiko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply