Custodio, naglider sa MLQU!

Pinaglideran ni Jopher Custodio ang Manuel Luis Quezon University sa ikalawang sunod na pagkakataon matapos maipasok ang kanyang tira upang angkinin ang panalo kontra sa Star  Group of  Publications, 80-78, sa ginanap na MB Invitational basketball championship sa Lyceum Gym, Intramuros Manila.

Nakuha ni Custodio ang kanyang winning basket matapos maitabla ni Dennis Rodriguez  ng Star  Group ang iskor na 78-all nang maipasok nito ang kanyang long three-point shot na may nalalabing sampung segundo na lang sa oras.

Mabilis na kumilos ang 6’3 na si Custodio at naghanap ng kanyang daan upang maipasok ang kanyang tira  sa kabila ng matinding depensa ng Star Group.  CT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply