Dahil masama ang ugali: Marian mawawalan ng career at BF

MAJOR-TO-MAX na ang nangyayari ngayon nagmula nang nadikit ang dibdib ni Bela Padilla sa katawan ni Dingdong Dantes sa isang eksena sa Endless Love.

Dahil sa sobrang selos ni Marian Rivera ay nilalakad na umano nito na mawala sa nasabing panoorin ang baguhang aktres na pamangkin ni Robin Padilla.  Sa naunang balita, ipinapaalis ng aktres ang mga eksenang makakasama nito ang young star na ang hindi alam ni Marian ay kay Bela napupunta ang simpatiya ng publiko.

Kung walang balita ngayon kay Robin ay hindi rin mawawala sa eksena ang mga Padilla dahil baguhan pa lamang si Bela ay sangkot na ito sa malaking kontrobersiya dahil pinag-iinitan siya ngayon ni Marian.

Minsan ay pinagsabihan pa daw nito ang young star na bobo umarte at ikinandalo pa umano nito ang pinto ng comfort room habang nasa loob ang young star.

Maraming nagsasabing malaking tulong ito sa teleserye dahil sa pag-iingay ng dalawa pero ang hindi alam ni Marian ay nawawala na ang kinang nito bilang isang sikat na aktres dahil dahan-dahan na siyang kinaiinisan ang pinaggagawa dulot ng sobrang selos at pagiging nagger nito sa kasintahang Dingdong.

Marami din ang naniniwla na baka mawawalan na ng gana si Dingdong sa kasintahan at kung may balak man itong pakasalan ang aktres ay tiyak magdadalawang-isip na ito kung itutuloy pa nito dahil sa pag-uugali ng syota. Alam ng lahat na may record ang aktor sa pagiging ma-chicks at may mga naniniwala na baka maging isa rin si Marian sa mga one of those nito.

LUNINGNING, HANDANG MAGTRABAHO MULI KAY WILLIE

Nakausap namin si Luningning nitong Linggo ng hapon sa R Bistro Bar sa Timog Avenue at ayon sa kanya, kung makakalipat si Willie Revillame sa TV5 ay handa siya kasama sina Milagring at RR na bumalik sa pagsasayaw sa gagawing show ng TV host.  Datapwat hindi nito kinumpirma ang paglipat ni Willie sa Kapatid network pero ang tiyak nito ay nakahanda silang magtrabaho muli kay Willie kung kakailangainin silang tatlo.

Nilinaw ni Luningning na wala silang naging problema ng TV host nang nagdesisyon silang umalis sa Wowowee noon.  ‘Ika nga, maayos silang nagpaalam sa TV host na buong puso namang tinanggap ito ng TV host.  Masaya naman silang dalawa ni Milagring sa kanilang bagong tahanan, ang PO5 and financially speaking, times three ang kanilang kinikita sa nasabing network.

Nilinaw din nito na may nang-iintriga sa kanilang tatlo, isang paraan para mabuwag silang tatlo pero inamin nitong lalong going stronger ang kanilang samahan.  Lalong humahataw ang kanilang karir dahil madalas silang may provincial shows.  STARBOOK/Alex Datu

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply