Dalaga pinilahan ng 3 gahaman

DINUKOT at halinhinan pinagsamantalahan ang isang dalaga ng tatlong kalalakihan, sa Quezon City.

Dumulog sa tanggapan ni  Chief Supt. Constantino Agpaoa, ang biktima na itinago sa alyas Ana, 20-anyos, para ireklamo ang naganap na panggahasa sa kanya ng tatlong lalaki.

Kaagad naman naaresto ang isa sa mga suspek na si Jansen Rey Ruckenbrod, 22, binata ng Paxton, East Fairview, sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagsimula ang panghahalay mula alas  5:00 ng umaga hanggang alas:7:00 kamakalawa ng gabi sa may kahabaan ng Quezon Avenue.

Napag-alaman na nag-aabang ang biktima kasama ang kapatid nitong babae ng jeep  nang huminto ang isang kulay gray na Mitsubishi Fuzion (ZRT 682) kung saan sakay ang tatlong suspek.

Kasunod ay bumaba ang isa sa nakasakay sa  van  na may bitbit na baril at pinaputok sa ibaba saka kinaladkad ang biktima saka isinakay sa sasakyan.

Walang nagawa ang kapatid ng biktima kundi kunin na lang ang plate number ng sasakyan saka ito nagtungo sa police station upang  ipagbigay alam ang naganap na pagkidnap sa huli.

Sa loob ng sasakyan, tinakot ng mga suspek ang biktima at inutusan na hubarin ang mga damit kung saan isa sa mga ito ang pinuwersang ipasubo ang ari habang ang dalawa naman ang lumalamas  sa  maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon pa sa biktima, hindi pa nakuntento ang mga suspek matapos ang pangmomolestiya sa kanya ay piniringan ang mga mata niya at dinala siya sa isang bahay kung saan muli siyang pinagpasa-pasahang abusuhin ng mga ito.

Tumagal nang dalawang oras ang panghahalay at nang matapos ay muli siyang piniringan saka pinakawalan sa isang lugar sa Quezon City.

Nakatulong sa pulisya ang plate number na nakuha ng kapatid ng biktima kaya agad na nagsagawa ng follow up operation at natukoy ang sasakyan sa East Fairview Subdivision habang nakaparada  na siyang dahilan nang pagdakip kay Ruckenbrod.

Nang tanungin ang suspek na si  Ruckenbrod ang alegasyon laban sa kanya at dalawang kaibigan ay agad itong umamin  at ikinatwiran na kanilang nagawa ang krimen dahil sa sobrang kalasingan.

Hindi naglubay ang mga tauhan ng pulisya sa pagtugis sa mga suspek kung saan natukoy na rin ang isa na si Jefferson Santiago, isang tricycle driver. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply