Dalagita 2 beses binarurot sa sementeryo

NAPARIWARA ang puri ng isang dalagita matapos dalawang beses na hinalay ng isang matandang lalaki sa loob ng sementeryo, sa Tugatog,  Malabon City.

Kinilala ni Supt. Reynaldo Orante  ang biktima na itinago sa alyas Marimar, 15-anyos, residente sa Tumariz st., ng nasabing barangay.

Ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Malabon City Police ay nakilalang si Ricardo Rex Rubi, alyas Boy Bicol, 55-anyos, karpintero at naninirahan sa Sitio Gulayan, Brgy. Catmon.

Base sa imbestigasyon ni P03 Chona Ferrera, unang naganap ang panghahalay noong September 9, 2010 sa loob ng Tugatog Cemetery na matatagpuan.

Ayon sa salaysay ng dalagita, kasalukuyan siyang naglalakad sa loob ng sementeryo na malapit lang sa bahay nila nang masalubong ang suspek.

Sapilitan kinaladkad ng suspek ang biktima at pagsapit sa isang nakabukas na museleo sa sementeryo ay agad na pinaghihipo ng una ang maseselang parte ng katawan ng huli.

Bagama’t nanlalaban ay hindi umubra ang lakas ng biktima  kaya’t nagawang matanggal ang damit na panloob ng dalagita hanggang sa mailugso ang puri nito.

Tinakot pa ng suspek ang biktima na papatayin sakaling magsumbong kaya dahil sa takot ay sinarili na lamang ng dalagita ang sinapit na kahayupan.

Hindi nakala ng biktima na muling mauulit ang kababuyan naganap kung saan ay inabangan siyang muli ng suspek at muling ginahasa, ngunit sa pagkakataong iyon ay nagawa nitong makasigaw kaya sumaklolo ang ina na nagging dahilan nang pagkakadakip sa suspek. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply