Dalagita niluray ng dating nobyo

NAGHARAP ng reklamong pangagahasa ang isang teenager kasama ang ina nito makaraang halayin ng dating nobyo, sa Brgy. Poblacion, Mendez, Cavite.

Ang biktima na itinago sa alyas Jenny, 14-anyos, estudyante habang ang suspek ay nakilalang si Rommel Rosema, 17, estudyante at nakatira sa Brgy. Poblacion 3 ng nabanggit na lugar.

Batay sa isinasagawang imbestigasyon ni PO2 Lelibeth dela Cruz, may hawak ng kaso, dakong alas-11:00 ng gabi nang maimbitahan ang biktima ng mga kaibigang sina Jymllyn Pagkalawangan, Raiza Vicedo, sa bahay ng nakilala lamang sa pangalang Jana upang mag-inuman.

Sumama naman ang biktima sa mga kaibigan dahil sa hindi naman kalayuan ang bahay na pupuntahan, subalit pagpasok sa loob  ay nakita niya ang suspek na dati niyang naging boyfriend na may mga kasama pang ibang kaibigan.

Nag-inuman ang mga ito at makalipas ang ilang oras ay tinawag siya ni Jana sa kusina. Pagpasok ay agad lumabas si Jana at ikinandado ang pintuan.

Laking gulat naman nang Makita ng biktima ang suspek na nasa loob din ng kusina at dito na siya sinimulang paghahalikan saka paghihipuan sa maseselang bahagi ng katawan hanggang tuluyan na siyang hinalay nito.

Nakatakdang sampahan ng kasong Rape with Child Abuse ang suspek na nakakulong sa himpilan ng pulisya ng Mendez. Gaynor Bonilla. Gaynor Bonilla

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply