Dalagita sex slave ng amain

KALABOSO ang isang amain na pintor matapos ipahuli ng ginahasa nitong dalagita, sa San Andres Bukid, Maynila.

Naaresto ang suspek na si Mario Salis Legaspi, 45, residente ng 2485 Chromium st., San Andres Bukid  makaraang magpasaklolo sa tanggapan ng Manila Social Welafare and Development ang isang 25 anyos na dalagita na itinago sa pangalanag “Cherry”, 3rd year high school student.

Sinamahan ang biktima ng kanyang tiyahin na si  Cristina Cabael, 41, sa tanggapan ni MDSW Chief Jay dela Fuente upang ituro ang kinaroroonan ng suspek.

Sa  pangunguna nina DSPU Operations Unit chief, Chief Insp. Nicolas Pinon at   dela Fuente ay naaresto ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya.

Nabatid na nakipag-ugnayan ang  grupo ni Pinon sa Operation Manager  ng Everest Security Agency na may hawak sa security guard ng Antonio building, sa panulukan ng TM Kalaw at Bacobo sts, kinumpirma nito na naroon ang suspek, dakong ala 1:30 noong Setyembre 23.

Nadatnan ng mga operatiba ang suspek habang nagpipintura at hindi na ito nakapalag nang positibong ituro ng biktima sa mga awtoridad na gumahasa sa kanya noong Setyembre 22, 2010, sa loob ng kanilang tahanan. Ito ang pinakahuling insidente ng panggagahasa sa kanya.

Sa naging pahayag ng biktima, noong taong 2008 pa siya sinimulang halayain ng suspek subalit hindi pinaniniwalaan ng sariling ina ang kanyang pagsusumbong hanggang sa ang nakatatandang kapatid na nito ang nagalit at binugbog na ang kanyang sailing ina dahil sa pagkampi sa suspek na kanya ring stepfather.

Hawak na ng Women and Children Concern Division ang pagsusulong ng pormal na reklamo sa Manila Prosecutor’s Office. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply