‘Dancing lady’ na snatcher timbog

NADAKIP ng Manila Police District (MPD) ang isang 24-anyos na bebot na ang modus operandi ay manghablot ng mga alahas na suot-suot ng mga biktima sa habang nagsasayaw.

Ang “dancing lady snatcher” ay nakilalang si Candy Enriquez, na natimbog kahapon sa Sta. Cruz, Maynila, matapos manghablot ng hikaw ng isang ginang habang umiindak.

Si Enriquez, na napag-alamang miyembro ng Sputnik Gang at nakatira sa 261 C.M. Recto Ave., Sta. Cruz, Maynila, ay hawak ngayon ng MPD-Station 3 sa Sta. Cruz.

Nakilala ang biktima na si Ligaya Castillo, 52, may-asawa ng 111 Everlasting St., Sto. Cristo, San Pablo City.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang kasamahan ng suspek na nakilala sa alias na “Bakla,” na umano’y nakatakas dala ang sinikwat na alahas ng suspek.

Sa report ni Supt James Afalla, hepe ng MPD-Station 3, dakong 11:35 ng umaga nang maaresto ang suspek sa kanto ng Rizal Ave. at Soler St. sa Sta Cruz, Maynila

Sa salaysay ng biktima, naglalakad siya patungo sa isang book store nang harangin siya ng suspek at biglang nagsasayaw ang mga ito.

Inakala naman ng biktima na hihingi lamang ito ng pera kaya tumigil ito at pinanood ang mga suspek.

Laking gulat umano ng biktima nang biglang hablutin ni Enriquez ang hikaw niya sa magkabilang tenga sabay takbo papalayo.

Nagsisigaw ang biktima na nakaagaw-pansin sa mga residente na agad tumulong sa pagtugis sa dalawang suspek.

Naabutan ng mga residente si Enriquez ngunit nakatakas ang kanyang kasama.

Hindi narekober ni Castillo ang kanyang hikaw, na nagkakahalaga ng P10,000, na umano’y naitakas ni Bakla.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply