Dapat kumilos ang DENR vs Youngstown sardines

“Kayo ang boss ko.”

Ito ang katagang binitawan ni Noynoy Aquino sa harap ng libo-libong Pinoy sa araw ng kanyang inagurasyon bilang Pangulo ng bansa.

Simple at  maiksing  pahayag  na may malalim na katuturan para makamit ang matagal nang hinahanap na pagbabago ng sambayanan.

Kumbaga sa isang niluluto, sangkap ito kasama ang ‘tuwid na daan’ na  nais tahakin ng kasalukuyang administrasyong Aquino.

“Kayo ang boss ko” plus “tuwid na daan” – ang resulta’y pagbabago tungo sa inaasam-asam nating maayos at maunlad na bayan ni Juan.

Nguni’t  ang matingkad na pangarap na ito ay hindi makakamit kung ‘di magtutulungan ang kinauukulan at ang taumbayan.

Si PNoy ay ‘di magtatagumpay kung ‘di siya aayudahan. Kailangan niya ang tulong ng kanyang mga itinalagang opisyal sa gobyerno.

Itinalaga ang mga ito para magsilbi – ‘di dapat maging kampanti si P-Noy at kanyang mga opisyal dahil ang boss nila’y ang taumbayan.

Sa bawa’t daing ng mamamayan, dapat ay kumilos ang mga opisyal ng gobyerno kung sila’y may malasakit sa mga pahayag na ito ni P-Noy.

Sa C-3 Road sa Navotas, ang mga residente riyan ay matagal nang idinadaing ang isang pabrika na nagdudulot  ng pollution sa kapaligiran.

Panahon pa ito ng Gloria Arroyo administration at magpahanggang sa kasalukuyan ay problema pa rin ng mga taga-C-3 Road, Navotas.

Ilang beses na rin natin itong tinalakay sa Chokepoint, subalit nagbibingibingihan ang mga ahensyang dapat magbigay ng solusyon sa problema.

Noo’y bantulot kumilos ang Department of  Environment and Natural Resources (DENR) sa panahon ni dating Sec. Lito Atienza.

Ngayon ay  hinahamon ng Chokepoint ang bagong liderato ng DENR sa kasalukuyang Aquino administration – particular si Sec. Ramon Paje.

Siyasatin nila ang Youngstown Sardines factory sa C-3 Road sa lungsod ng Navotas at parusahan kung may nilalabag na environmental law.

At kung meron, aba’y dapat nang ipasara ang pabrika na yan dahil perhuwisyo, ‘di lang sa kapaligiran kundi sa kalusugan ng tao. Bong Padua

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply