De kalidad, murang gamot tiniyak

NAGSANIB puwersa ang Medicines Transparency Alliance Council-Philippines at local government units sa pagtiyak na mapagkakalooban ng mataas na kalidad ng medisina sa abot-kayang halaga ang publiko na kabilang sa layunin ng administrasyong makamit ang universal health coverage sa taong 2013.

Nabatid na itinaguyod ng MeTA-Philippines ang kauna-unahang Pharmaceuticals Management and Good Governance Course sa LGUs, health managers at mga pinuno ng lokal na pamahalaan na naglalayong mapataas ang antas at kaalaman ng mga ito sa pharmaceuticals management, transparency at wastong pamamahala.

Ayon kay MeTA Council-Philippines Chairman Roberto Pagdanganan, batid niya ang kinakaharap na hamon ng mga LGU bilang dating gobernador ng lalawigan ng Bulacan, partikular ang problema sa kalusugan ng mamamayan lalo na’t ang mga alkalde at gobernador ang tinatakbuhan ng mga nangangailangan ng tulong sa problemang pangkalusugan.

Aminado si Pagdanganan na bagama’t nasa kanilang grupong MeTA ang kakayahang mamahala ng pharmaceuticals supplies at may teknikal silang pamamaraan na suriin ang kalidad, dami, tamang pag-iimbak, pamamahagi at pag-monitor sa mga produktong gamot, kinakailangan pa rin nilang makipag-ugnayan sa mga LGU at Regional Health Units dahil sila ang nakababatid ng mga pangangailangan ng kanilang mamamayan.

Nauna nang pinangasiwaan ng MeTA Council-Philippines sa pangunguna ni Project Director Tonyboy Faraon at Dr. Kenneth Hartigan-Go, chairman ng Research Committee on MeTA Phil. ang training course ng LGUs at RHUs noong Setyembre 9-10 sa Asian Institute of Management sa Makati City. Amor Virata

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply