Leila de Lima hinangaan ng minorya

PINAPURIHAN ng minorya si Justice Secretary Leila de Lima dahil sa ipinakitang katapatan kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III nang tumanggi siyang ihayag ang resulta ng imbestigasyon sa naganap na hostage crisis noong August 23.

Sa pagdinig ng House committee on appropriations, kung saan tinalakay ang badyet ng Department of Justice para sa 2011, pinilit ni Minority Leader Edcel Lagman si De Lima na ihayag sa mga kongresista ang resulta ng imbestigasyon kung hindi ay maaari itong ma-contempt.

“Are you risking contempt for refusing to disclose before the committee the findings and recommendations?” tanong ni Lagman sa kalihim.

Sa halip ay nanindigan si De Lima na tanging si Pangulong Aquino lamang ang may kapangyarihang maglahad sa publiko kung ano ang nilalaman ng 83-pahinang ulat ng incident investigation report committee (IIRC).

“Sorry your honor, if the citation is warranted, then yes, I will,” sagot ni De Lima sa banta ni Lagman.

Tinugon naman ito ni Lagman ng: “Well, that is a sign of loyalty, and loyalty is appreciated in this chamber.”

Binigyang-diin pa ng kalihim na wala pa siyang natatanggap na go-signal mula sa Malakanyang kung dapat niyang ihayag sa publiko ang resulta ng imbestigasyon dahil ang huling bilin umano ng Pangulo ay pag-aaralan niyang mabuti ang report bago ipadala sa mga otoridad sa China at Hongkong.

Samantala, humingi na rin ng tulong si De Lima sa Kongreso kaugnay sa pagtapyas sa kanilang badyet na ang hinihingi ng DOJ ay P15.2 bilyon, ngunit kalahati lamang nito ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM). Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply