Demolisyon binalot ng karahasan

SUMIKLAB ang karahasan sa pagitan ng demolition team at mga apektadong residente makaraang manlaban ang mga naninirahan dahil sa pagwasak sa  kanilang tahanan, sa Quezon City.

Nag-ugat ang salpukan ng magkabilang panig nang tutulan ang paggiba at manlaban ang mga residente sa North Triangle, Brgy. San Roque II, sa grupo  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Quezon City Police District’s (QCPD) anti-riot team na gumiba sa kanilang tahanan.

Dahil sa likha ng malaking kaguluhan, nagkabuhol-buhol at bumigat ang daloy ng trapiko, ganap na alas-8:45 kahapon ng umaga,  sa kahabaan ng Edsa mula Cubao hanggang SM North.

Nabatid na umabot nang mahigit sa isang oras ang labanan at batuhan ngunit nagawa pa ring pasukin ng demolition team ang  lugar kaya muling itinuloy ang paggiba sa mga tahanan doon.

Kaugnay nito, nakipagtulungan na rin ang  hanay ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung saan binugahan ng tubig ang mga residenteng patuloy na lumalahok sa kaguluhan.

Ayon sa ulat ng medical team ng QCPD, limang miyembro ng pulisya ang sugatan matapos na tamaan ng mga bato sa kanilang ulo at katawan.

Ang P22-billion project ay joint venture sa pagitan ng Ayala Land Inc. (ALI) at ng National Housing Authority para idevelop ang 29.1 hectares ng North Triangle na naglalayong gawing sentro ng negosyo at commercial district ang parte ng lungsod. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply