Dengue: 91,000 na ang inatake; 600 ang patay

SINASABING humuhupa na ang dengue sa repablik ni Juan.

Bagama’t may ilang lugar na tumataas ang bilang ng mga biktima, lumiliit naman sa nakararami.

Sa tatlong lungsod ng Metro Manila lang tumataas: Caloocan, Manila at Quezon City.

Gayunman, matindi ang tama natin sa sakit na dala ng lamok. Imadyin, noong 2009, mahigit
41,000 lang ang biktima simula Enero hanggang Setyembre at 548 ang patay sa buong taon.

Ngayong 2010, umabot na sa 91,000 ang naging biktima at kulang-kulang sa 600 ang nasawi mula Enero hanggang Setyembre.

Ang tanong: ilan pa ang madadagdag sa listahan na itakbo sa ospital at ihatid sa mga libingan?

Libo pa? Masakit na tanong ngunit kailangan na harapin.

oOo

Matanong nga pala natin ang Department of Science and Technology, hanggang saan na ba umaabot ang nadiskubre ninyong patibong sa mga babaeng lamok para siguradong matetepok ang kanilang mga itlog at mapigilan na ang pagkalat ng dengue?

Mayroon bang todong suporta ang pamahalaan para sa pagpaparami ng mga kemikal at pagpapakalat ng teknolohiya?

Nagtatanong tayo, Suki, dahil baka natatrapik na na-man ang DOST sa pagpapalaganap  at pagpapaunlad nang  todo  sa kanilang anti-dengue na gawain.

Ang pagkakaalam natin, kakaunti ang badyet ng ahensiyang ito at sa nakaraang administrasyon, sinalakay pa yata ng mga kawatan ang pondo nito.

Eh sa gobyerno, no money, no honey sila. Anong pablik-pablik serbis kung walang pondo?

oOo

Ang Department of Health naman ba ay may pagpupursigi na dumiskubre ng mga gamot laban sa dengue?

O yang magreseta lang ng mga gawang dayuhan na gamot ang inaatupag nito, huh? Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply