Raul Bacalzo, bagong PNP chief

INANUNSIYO na kaha-pon ni Pangulong Noy-noy Aquino ang pagkakahirang kay Deputy Director General Raul Bacalzo bilang kapalit ni outgoing PNP chief Director General Jesus Verzosa.

Ginawa ang pagkumpirma ng Pangulo, dalawang araw bago ang pormal na pagreretiro ni Verzosa na sa Disyembre 25  pa sana ang magreretiro.

Si Bacalzo ang kasalukuyang PNP deputy director general for operations.

Bago ang anouncement sa bagong PNP chief, umu-gong na kabilang sa mga pinagpipilian  ang kanyang mga kaklase sa akademiya na sina  PNP chief for directorial staff Director Benjamin Belarmino, at PNP deputy chief for administration Director Gen. Perfecto Palad.

Sinasabing kung tutuusin si Palad sana ang may “edge” sa tatlo kung pagbabasehan ang hierarchy at seniority dahil siya ang second in command sa PNP.

Nabigo rin umano si Bacalzo na maresolba ang kaso ng media killing noong siya pa ang namumuno ng Task Force Usig.

Dati rin siyang naging hepe ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management.
Si Bacalzo ay graduate ng PMA Class of 1977 at sa Setyembre pa ng susunod na taon nakatakdang magretiro.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply