Desamito, Barcena wagi sa 4th Auto Review Run

Mabilis na tinapos ng dating national athlete na si Bernardo Desamito at Nhea Ann Barcena ang men’s at women’s sa sampung kilometrong dibisyon upang pangunahan ang hagaran sa lansangan ng 4th Auto Review Run for Road Safety & Courtesy sa Bonifacio Global City.

Inungusan ni Desamito si Ramie Lacson matapos makapagtala ng 31 minuto at 48 segundo sa takbuhang ito upang maiuwi ang tropeo at perang nagkakahalaga nang P5,000.

Habang umani naman nang P3,000 para sa ikalawang pwesto habang pasok naman sa ikatlong pwesto ang Arlata Fantina (33:09) na nagbulsa ng P2,000.

Naglider naman si Barcena sa kababaihan na nagtapos sa oras na 39:08 na nagkamit din ng P5,000 habang pumangalawa naman si Merian Miranda nagwagi ng P3,000 at pasok sa ikatlong pwesto si Florida Gonzales (42:46) na nag-uwi ng P2,000.

Wagi rin sina Mervin Cuarte (16:10), Ferdinand Corpuz (16:35) at Erwin Ecat (17:45) na siyang nanguna sa limang kilometrong hagaran. CT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply