Desisyon ni PNoy sa hostage incident ibibisto na

IHAHAYAG  ngayon ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang desisyon sa naging rekomendasyon ng Incident Investigation and Review Committee( IIRC) kaugnay  sa madugong hostage taking incident.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office head Sec. Sonny Coloma na tapos nang basahin ng Chief Executive ang IIRC report at isasapubliko niya ang kanyang desisyon sa naging rekomendasyon ng IIRC bago pa siya tumulak patungong Estados Unidos mamayang gabi para dumalo sa United Nations’ General Assembly.

Subalit, nilinaw ni Coloma na pahapyaw na impormasyon lang ang posibleng ibigay ng Punong Ehekutibo sa usaping ito dahil kailangan munang mabigyan ng transmittal report sa pamamagitan ng diplomatic channel ang HongKong, China at Canadian government na aayusin naman aniya ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa kabilang dako, pinabulaanan naman ni Coloma na may itinakdang high level mission na magdadala ng transmittal report sa mga nasabing bansa.

Ipinagmalaki ni Coloma na maganda ang naging resulta ng kanyang pagdalo sa conference sa Beijing, China dahil itinuturing lamang ang insidente  bilang isolated cases at hindi makaapekto sa relasyon ng dalawang bansa. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply