DH sa Saudi, pinagsasaksak bago pinainom ng asido ng amo

PINANGALANAN na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Pinay domestic helper na pinagsasaksak ng kanyang employer sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA), bago pinainom ng asido hanggang mamatay.

Batay sa natanggap na report ng DFA kay labor attaché sa Saudi Arabia na si  David Des Dicang,  ang biktima ay kinilalang si Romilyn Eroy-Ibañez, 22, tubong North Cotabato, Mindanao, at dumating sa Saudi Arabia noong May 31.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang Pinay ay ipinadala ng PRA Solidworks Manpower Resources & Promotion bilang nursing aide pero ginawang domestic helper sa Saudi Arabia.

Sa inisyal na report ng DFA, si  Ibañez ay pinagsasaksak sa leeg, tiyan, pulso  bago pinainom ng asido ayon na rin sa mga nakitang acid burn sa bibig, braso at binti ng biktima.

Ayon kay Philippine Third Secretary at Vice Consul Paulo Saret, isinugod ang biktima sa King Fahd Hospital sa tulong ng Red Crescent noong Setyembre 8 pero binawian din ng buhay.

Nakikipag-ugnayan na ang embahada sa kinauukulan upang magkaroon ng matatag na representasyon ang panig ng biktima sa awtoridad ng KSA habang isinasagawa ang imbestigasyon,

Samantala, sinuspinde na ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang deployment operation ng recruitment agency na PRA Solidwork’s deployment na nag-recruit kay Ibañes

Nakikipag-ugnayan naman ang Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (OUMWA) sa pamilya ng biktima at sa DFA para maiuwi na ang labi nito sa kanyang pamilya. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply